Connect with us

Pang. Duterte, hinikayat na tanggalin ang ipinatutupad na lockdown sa bansa

National News

Pang. Duterte, hinikayat na tanggalin ang ipinatutupad na lockdown sa bansa

Nanawagan ang Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) kay Pangulong Rodrigo  Duterte na tanggalin na ang community lockdown na ipinaiiral para maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa grupo, panahon na para hayaan ang mga tao na makabangon sa epekto ng pandemya.

Ayon sa grupo, marami na ang naghihirap sa bansa dahil sa epekto ng polisiya ng pamahalaan tulad na lamang ang pagsasailalim sa lockdown ng ibang lugar sa bansa.

Aniya, ngayong may sapat nang karanasan at impormasyon hinggil sa COVID ay maaari na aniyang bawiin ang community restrictions.

Binubuo ang CDC-PH ng mga tanyag na doctor sa bansa.

Mungkahi nila ang prophylaxis o prevention at early treatment sa COVID gamit ang Hydroxychloroquine o HCQ at zinc.

Matagal nang available ang HCQ na ginagamit bilang gamot sa malaria.

Available din ito sa maraming bansa sa buong mundo subalit mabibili lamang kung may prescription mula sa doctor.

Nilinaw naman ng mga doktor na abot kaya at ligtas gamitin ng mga pinoy ang HCQ sa kabila ng babala mula sa World Health Organization hinggil sa side effects ng gamot.

Katunayan, lahat ng doktor na dumalo sa isinagawang forum para talakayin ng COVID-19 response ng bansa ay gumagamit nito kaya kampante sila kahit walang suot na face mask at face shield.

Nilinaw naman ng grupo na hindi nila binabatikos ang gobyerno, sa halip ay nagmumungkahi lamang sila ng panibagong approach para labanan ang virus.

Katunayan, bukas silang makipag-ugnayan sa IATF para mapaabot ang kanilang suhestiyon kay Pangulong Duterte.

Mungkahi naman ng mga doctor na palakasin ang resistensya at magkaroon ng healthy lifestyle para makaiwas sa virus.

More in National News

To Top