Connect with us

Pang. Duterte, hinikayat na huwag kumandidato sa pagkapangulo si Mayor Sara

PRESIDENT Rodrigo Roa “Digong” Duterte (PRRD) was still not in favor of his daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio to run for president in the 2022 elections.

Uncategorized

Pang. Duterte, hinikayat na huwag kumandidato sa pagkapangulo si Mayor Sara

Hindi pa rin pabor si Presidente Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa ekslusibong panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Executive Pastor ng Kingdom Of Jesus Christ kay Pangulong Duterte, inamin ng presidente na sinabihan nito si Sara na huwag nang tumakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

“Si Inday, kinausap ko talaga kagabi. Do not run. Do not ever, ever commit the mistake of running for Presidency“, ayon kay Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, sinabihan nito ang anak na wala itong makukuha sa pinakamataas na posisyon ng bansa maliban sa isang bagay – at ito aniya ay ang sense of fulfillment na may nagagawa sa bansa.

“I do not mean to insult the Filipino people. Presidente, wala ka talagang makuha… Wala para sa’yo, except for one thing, yung sense of fulfillment mo sa kapwa tao mo na may nagawa ka. Aside from that it’s an empty, puro ka na lang trabaho diyan,” pahayag ni PRRD.

Naniwala si Pang. Duterte na ang mga korup na pulitiko lamang ang magiging bilyonaryo o milyonaryo kapag nakaupo sa naturang posisyon.

Binigyang-diin din ng pangulo na nag-alala ito sa napakalaking pasanin ni Sara sakaling ito ang manalo bilang presidente lalo na sa kinakaharap na iba’t ibang problema sa bansa sa gitna ng pandemya.

More in Uncategorized

Latest News

To Top