buo pa rin ang tiwala

Pang. Duterte, buo pa rin ang tiwala kay PhilHealth Pres. Morales

National News

Buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president and CEO Ricardo Morales sa kabila ng mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya.

Retired Brigadier General is PhilHealth's New President and CEO ...Ito ay ayon mismo kay dating Special Assistant to the president at ngayo’y Senador Christopher “Bong” Go.

Ngunit ayon naman kay Bong Go, hindi magda-dalawang isip na sibakin ng pangulo si Morales sa puwesto nito kung mapapatunayang sangkot ito sa mga umano’y iregulasyon sa loob ng ahensya.

Magugunita na nagsimula ang alegasyon ng korapsyon sa ahensya matapos ang kontrobersyal ng pagpupulong ng mga opisyal ng PhilHealth at cabinet members na nauwi sa resignation ng ilan sa mga ito.

Ang ilan sa mga ito ay sina Anti-Fraud Legal Officer Thorrson Montes Keith na inakusahan si Morales na isa umanong leader ng bagong sindikato.