Connect with us

Pang. Duterte, binalaan ang mga komunista sa pagharang sa distribusyon ng bakuna sa bansa

May babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na huwag manggulo sakaling simulan na ang pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19.

National News

Pang. Duterte, binalaan ang mga komunista sa pagharang sa distribusyon ng bakuna sa bansa

May babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na huwag manggulo sakaling simulan na ang pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa national address kagabi ng pangulo, sinabi nito na hindi dapat galawin ng grupo ang nasabing mga bakuna na dadalhin sa mga liblib na lugar.

Aniya, dapat nilang pahayagan na makaabot sa mga liblib na lugar ang gamot dahil para ito sa mga tao.

Bukod aniya sa mga CPP-NPA ay nanawagan din ang pangulo sa mga government officials na huwag harangin ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang trabaho ng Bureau of Customs at sinabing hindi na kailangang buksan pa ang mga bakuna upang hindi masayang ang oras at panahon upang maihatid na sa mga lugar na paglalagyan nito.

Nauna ng sinabi ng pangulo na posible sa katapusan ng buwan ng Pebrero ay darating ang ilang milyong doses ng COVID-19 vaccines.

Tiniyak naman ng Communist Party of the Philippines ang ligtas at tuloy-tuloy na pagbiyahe ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ito ang tugon ng CPP sa apela ni Pangulong Duterte na huwag galawin ang COVID-19 vaccine.

Sa isang pahayag, sinabi ni CPP Information Officer Marco Valbuena na magbubukas ang New People’s Army ng humanitarian corridor para malayang transportasyon sa mga guerrilla base areas at zones.

Gayunman, iminungkahi ng CPP sa gobyerno na dapat pangasiwaan ang transportasyon, distribusyon at inoculation drive ng COVID-19 vaccine lalo na sa mga interior area ng international committee of the Red Cross, Philippine Red Cross at iba pang civilian humanitarian agencies.

Habang ang mga non-red cross vehicles naman aniya na gagamitin bilang COVID-19 vaccine transporter ay dapat may malinaw at maayos na mark ng red cross sa puting background.

Mariing iminungkahi ng CPP na huwag ibiyahe ang COVID-19 vaccines ng sasakyan ng AFP lalo na kung hindi ito properly marked at may mga lulan na armadong sundalo.

More in National News

Latest News

To Top