Connect with us

Panelo, tinawag na OA si Sen. Pangilinan kaugnay sa babala ng AFP kina Liza at Catriona

Tinawag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo si Senador Francis "Kiko" Pangilinan na 'OA' o 'overacting' sa interpretasyon nito sa mensahe ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. sa aktres na si Liza Soberano at 2018 Miss universe Catriona Gray.

National News

Panelo, tinawag na OA si Sen. Pangilinan kaugnay sa babala ng AFP kina Liza at Catriona

Tinawag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na ‘OA’ o ‘overacting’ sa interpretasyon nito sa mensahe ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. sa aktres na si Liza Soberano at 2018 Miss universe Catriona Gray.

Una nang sinabi ni Pangilinan na ang umano’y red-tagging ng mga militar kina Soberano, Gray, Angel Locsin at iba pang aktibista ay maglalagay sa kanilang buhay sa kapahamakan at sinabi pang nakipagkwentuhan lang si Liza ay binantaan na ng kamatayan.

“Ano ba ‘yan? Nakipagkwentuhan lang si Liza, binantaan na ng kamatayan. Siya na nga ang binastos at binantaan ng rape, tatakutin pa?” ang naging komento ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa counterpoint program ni Secretary Panelo, sinabi nito na payo lamang ang ginawa ni Parlade kina Liza at Catriona para hindi tuluyang magamit ng mga makakaliwang grupo.

Batay sa nakasaad sa facebook page ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na kahit hindi pa kasapi ng New People’s Army ang aktres ay dapat dumistanya na ito at iurong na ang pagsuporta sa women’s group na Gabriela.

“Let us not red-tag Liza Soberano. It’s not fair to her. She is merely supporting advocacy for women’s rights. She has to be protected in the

Exercise of her rights. Is she an NPA? No, of course not. Not yet. So let’s help educate her and the other celebrity targets of malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (maki­baka), the underground mass organization hiding under Gabriela Women’s Party,” ang  pahayag ni Parlade, Jr.

Ito’y dahil sa pangambang kung magpapatuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ni Soberano sa grupo ay posibleng matulad siya sa sinapit ni Josephine Anne Lapira na dating deputy secretary general ng Gabriela Youth sa UP na nasawi makaraang maka-engkwentro ang militar noong 2017.

Sinabi ni Panelo na ang punto lang aniya ni Parlade sa pahayag nito, ay hangga’t may pagkakataon pa, mas maiging lisanin na ni Liza ang grupong ito para makaiwas sa posibilidad na magamit ito ng mga komunista katulad ng nangyari sa ibang kababaihan na na-recruit.

Naglabas din ng pahayag si Senator Risa Hontiveros at dinepensahan sina Catriona at Soberano.

Nagbabala si Hontiveros kay Parlade na huwag gamitin ang kapangyarihan bilang heneral para takutin at pagbantaan ang dalawa.

“Huwag mong gamitin ang kapangyarihan mo bilang heneral upang takutin at pagbantaan ang mga kababaihang ito. Your threats and harassment are unacceptable. By silencing them, pinapalampas mo ang karahasan, panggagahasa at pangaabuso na nararansan ng napakaraming Pilipino. This is ungentlemanly and a shame to your rank and to the pma,”  ang naging komento naman ni Senator Risa Hontiveros sa pahayag ni Parlade.

Tiniyak ng senadora na hindi palalampasin ang ginawa ni Parlade kaya’t pinaghahanda niya ang heneral sa susunod na pagsalang sa commission on appointments.

“We will not forget this. Tatandaan ko ang lahat ng mga ito at paghandaan mo ang susunod nating paghaharap sa commission on appointments. Hindi ko ito kayang palampasin. See you in the next round,”  dagdag pa ni Hontiveros.

Kaugnay nito, iginiit ni Secretary Panelo na sa pananalita ng senadora Hontiveros ay tila ito pa yata ang mukhang mas nagbabanta.

Una nang nilinaw ng Malakanyang na iniingatan lamang ng AFP ang aktres na si Liza Soberano maging si Catriona Gray na na baka magamit sila ng left-leaning groups na kilalang kumakalaban sa mga hakbangin ng gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top