Connect with us

Panelo sa akusasyon ni del Rosario sa pagkapanalo ni PRRD noong 2016: Isang malaking kasinungalingan

Isang malaking kasinungalingan!!!Ito ang tahasang sinabi ng Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kaugnay ng akusasyon ni Albert del Rosario

National News

Panelo sa akusasyon ni del Rosario sa pagkapanalo ni PRRD noong 2016: Isang malaking kasinungalingan

Isang malaking kasinungalingan!!!

Ito ang tahasang sinabi ng Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kaugnay ng akusasyon ni dating DFA Secretary Albert del Rosario patungkol sa pagkapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Ani Panelo, gumagawa lamang ng alegasyon si del Rosario para madungisan ang overwhelming victory ni Pangulong Duterte noong 2016 elections.

Lumikha lamang ng intriga si del Rosario kung saan sinabi nitong nakatanggap siya ng impormasyon na nagkaroon ng pagtanggap ng tulong at suporta si Pangulong Duterte mula sa dayuhan para sa pagkandidato nito.

Natanggap umano ni del Rosario ang naturang impormasyon noon pang panahon ng halalan.

Pero ani Panelo, dapat noon pa man ay umimik na ito.

Kinuwestyon din ng kalihim ang timing ng ipinupukol na akusasyon kung bakit ngayon lang nagsalita si del Rosario at wala pang inilatag na ebidensya.

Giit ni Panelo, ang naturang akusasyon ay isang malaking kasinungalingan dahil labag aniya sa karakter ni Pangulong Duterte na humingi o tumanggap ng tulong sa isang dayuhang pamahalaan para lamang makakuha ng boto para sa eleksyon noon.

Kapareho rin aniya ito sa kasinungalingang ikinakalat ni del Rosario laban kay Pangulong Duterte na may kinalaman sa isyu ng West Philippine Sea.

Ibinahagi rin ni Panelo na lahat ng halalan na nilahukan ni Pangulong Duterte, ay wala pa itong ipinatalo.

Tinanggap din ng mga tao si ang pangulo sa naging political brand nito.

Kaugnay ng naturang usapin, inihayag ni Pangulong Duterte na nais nitong makausap si Albert del Rosario para personal na tanungin patungkol sa kanyang alegasyon na nanghimasok ang China sa 2016 presidential elections para ma-elect si PRRD bilang presidente.

Paggiit ng chief executive, nanalo siya sa anim na milyong boto na kanyang nakuha noong 2016 at hindi sa tulong ng dayuhan.

Samantala, sinabi pa ni Pangulong Duterte na nais niyang makipag usap sa ilang personalidad sa Washington para malaman kung ipinag-utos ni del Rosario ang withdrawal ng mga barko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea nang magkaroon ng standoff sa China noong 2012.

Patuloy din aniyang iniimbestigahan ang dating DFA chief kaugnay sa usaping ito.

Inihayag din ni Secretary Panelo na ang akusasyon ni del Rosario ay hindi totoo dahil hindi gawain ni Pangulong Duterte ang anumang unlawful at unconstitutional na hakbang para lamang manalo sa eleksyon.

More in National News

Latest News

To Top