Connect with us

Panelo, magsasampa ng kaso laban sa 2 online news agency

National News

Panelo, magsasampa ng kaso laban sa 2 online news agency

MAGSASAMPA ng kasong libel si Presidential Spokesperson Salvador Panelo laban sa dalawang online news agcency dahil sa malisyosong balita na ginawa laban sa kaniya.

Sinabi ni Panelo na sasampahan niya ng reklamo ang Rappler at Inquirer dot net.

Kaugnay ito sa post sa social media ng dalawang online news agency na umano’y pag-endorso ni Panelo para sa executive clemency ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Panelo personal siyang nagbigay ng text message sa Rappler at Inquirer dot net kaugnay sa mga malisyosong post nito sa social media.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top