Connect with us

Panawagang nationwide academic break, kailangang ng pagbusisi – DepEd

Panawagang nationwide academic break, kailangang ng pagbusisi - DepEd

National News

Panawagang nationwide academic break, kailangang ng pagbusisi – DepEd

Sinabi ng Department of Education (DepEd) na kailangang maiging busisiin ang panawagang nationwide academic break.

Ayon kay Education Secretary Leoner Briones, ang pagdedeklara ng academic o health break ay nakadepende sa abiso ng mga dalubhasa, partikular na mula sa Department of Health (DOH).

Sinabi pa ng kagawaran na nakakaapekto sa school calendar ang nasabing panawagan.

Kung sakali man aniyang magkaroon ng nationwide break, kailangan paring gumawa ng adjustment ang mga paaralan upang makumpleto ang bilang ng school days para sa isang school year.

Batay sa nakasaad sa Republic Act 7797, ang school year 2021-2022 ay may kabuuang 209 school days.

Sinabi pa ng kagawaran na ang pagkakaroon ng academic break ay hindi maaaring ipatupad sa lahat ng paaralan  dahil iba-iba ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top