Connect with us

Pananambang ng mga NPA sa health workers sa Calbayog, Samar, kinondena ng DILG

Galit ang tanggapan ng DILG sa ginawang pananambang ng mga miyembro ng CPP-NPA terrorists sa healthcare workers ng Calbayog City, Samar.

National News

Pananambang ng mga NPA sa health workers sa Calbayog, Samar, kinondena ng DILG

Galit ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ginawang pananambang ng mga miyembro ng CPP-NPA terrorists sa healthcare workers ng Calbayog City, Samar.

Ayon sa ulat, patungo sa DOH Regional Office 8 sa Leyte ang convoy ng ilang health care workers kasama ng mga pulis upang kumuha ng nakalaang sulay ng bakuna para sa lungsod.

Ngunit nang binabaybay ng convoy ang kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Lale, Pinabacdao, Samar, una muna silang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril  at malakas na pagsabog mula sa isang improvised explosive device (EID) 20 metro lang ang layo mula sa kanilang sasakyan.

Agad ding bumawi ng putok  ang PNP convoy laban sa mga armadong grupo at kalaunay umatras din at nagtungo sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay.

Wala namang nasaktan o nasugatan mula  sa nasabing insidente.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año,“Mabuti na lang at walang nasugatan o namatay sa insidente dahil sa pananambang na ito sa ating mga health workers.  We congratulate the Samar PNP for ensuring the safety and security of our health workers.”

Hindi rin aniya katanggap-tanggap  ang ginagawa ngayon ng mga natitirang miyembro ng CPP-NPA sa bansa dahil wala na aniyang pinipili ang mga rebelde para maghasik ng terorismo, pumatay at magdala ng takot sa mga komunidad.

Hindi rin aniya iginagalang kahit ang mga medical frontliners na tumutupad lamang sa misyong makapaghatid ng medikal na serbisyo sa mga mamamayan.

“The CPP-NPA-NDF’s height of insensitivity, callousness, and opportunism knows no bounds.  Wala na talaga silang pinipiling tao, lugar, o sitwasyon para pumatay at maghasik ng terorismo.  Patunay lang ito na sila ay kaaway ng bayan at walang malasakit sa mga mamamayan dahil kahit ang ating mga medical frontliners na kukuha sana ng bakuna ay tinambangan nila,” sabi pa no Año.

Kasunod nito, agad na iniutos ng DILG na dagdagan ng police personnel sa mga isasagawang COVID-19 vaccination operations sa iba’t-ibang bahagi  ng probinsiya ng Samar.

“Inaatasan ko ang ating mga kapulisan na magtalaga ng mga tauhan para maproteksiyunan ang mga gawain ng COVID-19 teams lalo na sa mga lugar na may patuloy na banta ng mga komunistang terorista.”

Samantala, bukod sa DILG, agad ding kinondena ng pamunuan ng NTF-ELCAC ang ginawang ito ng NPA.

Nananawagan si DILG Undersecretary at NTF ELCAC Spokesperson Jonathan Malaya sa publiko na maging responsable ang bawat mamamayan sa pagsusumbong sa mga otoridad sakaling may mamataan ang mga ito na miyembro ng NPA sa kanilang mga komunidad.

Bagay na makatutulong aniya ito para mapigilan ang mga masasamang balak ng mga armadong grupo at hindi na makapaminsala pa hindi lang sa mga ari-arian kundi maging sa mga inosenteng buhay.

Ani Malaya, “Nananawagan po kami sa mga mamamayan na tumulong para mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng inyong mga pamayanan. Huwag po kayong umasa lamang sa mga kapulisan dahil kayo man po ay may papel na dapat gampanan para sa inyong kaligtasan at kapayapaan,”

“Maaari kayong magtext, mag-pm o tumawag sa pinakamalapit na PNP station, DILG office, o barangay para i-report kapag may namataan kayong mga NPA sa inyong mga lugar.”

Ayon pa sa opisyal, dismayado siya sa mga tinuturan ng CPP-NPA sa patuloy na paghahasik ng karahasan, takot at makakaliwang impluwensiya sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top