Connect with us

Pamunuan ng UP Diliman, mananagot sa talamak na recruitment ng CPP-NPA-NDF sa kanilang campus

Pananagutan ng administrasyon ng University of the Philippines-Diliman campus ang talamak na recruitment ng terorista

National News

Pamunuan ng UP Diliman, mananagot sa talamak na recruitment ng CPP-NPA-NDF sa kanilang campus

Pananagutan ng administrasyon ng University of the Philippines-Diliman campus ang talamak na recruitment ng teroristang komunistang Communist Party of the Philippnes-New People’s Army-National Democratic front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang campus.

Ito ang binigyang-diin ng dating NPA kadre na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celis sa panayam ng Sonshine radio.

Ito ay kasunod ng panawagan ng Tribong manobo sa Talaingod, Davao del Norte na pabalikin na sa kanilang ancestral domain si Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay na tinawag na ‘Mother of the Lumads’.

Sinasabing nasa loob ng unibersidad ngayon si Bai Bibyaon bilang miyembro ng makakaliwang grupo at ginagamit bilang umano’y kinatawan ng mga Lumad.

Ayon kay ka Eric, may pananagutan ang pamunuan ng UP sa nangyayaring recruitment ng mga komunista sa loob ng diliman campus gamit ang ilang organisasyon tulad ng save our schools network at bakwit schools.

Ibinunyag din ni Rurelyn Bay Ao, isang katutubo sa Talaingod na isinasama si Bai Bibyaon sa mga rally para gamitin bilang tagapagsalita ng mga Lumad, at makalikom ng pondo para sa makakaliwang grupo.

Sinabi naman ng mga kamag-anak ni Bai Bibyaon na matindi ang ginawang panlilinlang ng mga komunistang grupo sa kanilang tribo .

Giit ng tribo, na sobra-sobra ang paggamit at paglapastangan na giangawa ng makakaliwang grupo sa kanilang pinunong si Bai Bibyaon.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top