Connect with us

Pamumulitika sa pamamahagi ng ayuda, mahigpit na ipinagbabawal

Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit sa pangalan at larawan ng isang politiko sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng ECQ.

National News

Pamumulitika sa pamamahagi ng ayuda, mahigpit na ipinagbabawal

Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit sa pangalan at larawan ng isang politiko sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) plus areas.

Ito ang babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa gitna na rin ng inaasahang pagsisimula ng distribusyon ng financial assistance na P1,000 kada indibidwal o P4,000 kada pamilya sa mga residente sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon kay DILG undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya, ang mga violator ay pananagutin sa ilalim ng section 82 ng General Appropriations Act kung saan ipinagbabawal ang paggamit sa pangalan, larawan, logo, signature o anumang analogous image ng public official, elected man o appointed sa lahat ng programa, aktibidad ar proyekto ng gobyerno.

Posible ding sampahan ng administrative charges sa ilalim ng coa circular 2013-004 ang public officials na lalabag sa prohibition.

Maaari naman aniyang maghain ng reklamo ang publiko sa pinakamalapit na DILG field office kasama ang mga larawan at iba pang documentary evidence na susuporta sa reklamo.

Sinabi rin ni Malaya na bubuo ang DILG ng Joint Monitoring and Inspection Teams (JMIT) sa kada LGU.

Bilang bahagi ng JMIT, agad mag-iimbestiga ang PNP at gagawa ng case build-up sa mga naiulat na kaso ng anomalya, iregularidad o graft and corruption sa pamamahagi ng ayuda.

More in National News

Latest News

To Top