Connect with us

Pamumulitika ni Pacquiao, hindi na isang sorpresa – Sec. Roque

Pawang pamumulitika lamang at hindi na isang supresa ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagbatikos ni Senator Manny Pacquaio sa pandemic response ng pamahalaan.

National News

Pamumulitika ni Pacquiao, hindi na isang sorpresa – Sec. Roque

Pawang pamumulitika lamang at hindi na isang sorpresa ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagbatikos ni Senator Manny Pacquaio sa pandemic response ng pamahalaan.

Kamakailan lang ay sinabi ni Senator Manny Pacquiao na na-mismanaged ng pamahalaan ang tugon nito sa COVID-19 pandemic dahil mas lumala ang sitwasyon ng bansa.

Aniya, “Sa tingin ko hindi naman naresolba ang pandemya. Mas lalo pang lumala, pataas nang pataas ang mga cases ng infected with COVID. Talagang mismanaged. I’m sorry to say this but ‘yan po ang naramdaman ko.”

Pinalalahanan din ng senador si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag maging masyadong defensive habang iniimbestigahan ng mga mambabatas ang umano’y katiwalian na nangyayari sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng sa Department of Health (DOH).

Nagpapatuloy sa kasalukuyan ang padinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa multibillion contract na iginawad ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceuticals Inc. para sa pagbili ng mga umano’y overpriced na mga medical supplies.
Una ng inilahad ni Pacquiao ang posibleng korupsiyon sa DOH bago pa man naglabas ng audit report ang Commission on Audit.

Saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na siya nagtataka sa mga pahayag ni Pacquiao dahil panahon na ngayon ng politaka.

Matatandaang una ng nagsabi si Pacquiao na balak nitong tumakbo bilang presidente sa susunod na taon o di kaya’y bilang senador ulit o ganap ng magretiro sa pulitika.

Depensa ni Roque tataas at tataas ang COVID-19 cases ng Pilipinas dahil sa Delta Variant na lima hanggang walong beses na mas nakakahawa sa ibang variant.

“Ang totoo po niyan ang problema si Delta variant – 5 to 8 times more infectious than iyong mas infectious pa na variant ‘no na Alpha variant ‘no. So talagang dadami po ang mga kaso natin dahil ito po dadaan ka lang eh pupuwede.”

Dagdag ni Roque, nilinaw na mismo ang COA na wala silang iniulat na nawawalang pondo dahil sa korupsiyon sa DOH.
Kinutya rin nito ang pariralang ‘plundemic’ na kombinasyon ng mga salitang plunder at pandemic na ginamit ni Pacquaio.
“So wala pong ‘plundemic’ na sinasabi.

Ang sinasabi nga po ng COA nais nilang magkaroon ng linaw kung bakit iyong ilang mga halaga po na salapi na ibinigay sa DOH ay hindi nga po nagastos. Pero ‘yan pong clarification na ‘yan ay hindi po ako nagsabi niyan, iyan po’y nanggaling po sa COA mismo.”

More in National News

Latest News

To Top