pamumulitika mabagal ayuda Duterte

Pamumulitika, dahilan ng mabagal na pagbibigay ng ayuda ng LGUs – Pang. Duterte

National News

Pamumulitika sa lokal na pamahalaan ang nakikitang dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit mabagal ang pamimigay ng ayuda.

Ayon kay Pangulong Duterte, ilang personnel ng DSWD ang nakatatanggap ng banta o pananakot mula sa LGU officials.

Dagdag pa ng Pangulo, maliban sa pulitika, may mga reports din na hindi tama ang listahan ng mga benepisyaryo ng SAP kaya naman hindi agad makausad sa pamimigay.

Samantala, nasa 10.29 milyong beneficiaries o 57% ng target na 18 milyong pamilya na ang nabigyan ng tulong ng pamahalaan.