Pampanga LGU humingi ng tulong sa mga TV network para sa blended learning

Regional

Pinulong ng Pampanga Provincial Government ng ang mga television networks, cable at mga internet provider upang hingan ng tulong para sa pagpatutupad ng blended learning program ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Governor Dennis Pineda, ang magkahalong tradisyunal at social media ay mabisang alternatibo sa pisikal na pagpasok sa school lalo na at kaya nitong maabot ang mga mag-aaral kahit saang malalayong lugar.

Samantala bilang tugon, isa sa sinabi ni CLTV 36 Gen. Mgr. Sonia Soto na bibigyan ng isang oras simula Lunes hanggang Biyernes ang lahat ng antas upang libreng maisahimpapawid ang kanilang mga aralin at asignatura.