Hindi magtataas ng pamasahe ang anumang modes of transportation, ito man ay bus, Public Utility Vehicles (PUVs), at UV express, taxi o Transport Network Vehicle Service (TNVs).

Pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, hindi magtataas-LTFRB

National News

Hindi magtataas ng pamasahe ang anumang modes of transportation, ito man ay bus, Public Utility Vehicles (PUVs), at UV express, taxi o Transport Network Vehicle Service (TNVs).

Ito ang binigyang-diin ni Land Transportation Franchising And Regulatory Board  (LTFRB) Chairman Atty. Martin Delgra sa Laging Handa Public Briefing.

Aniya, ito ay dahil hindi dapat dagdagan pa ang pasanin ng publiko gayong kapos ang halos ng mga ito sa pera dulot ng community quarantine.

Gayunpaman, inihayag ni Delgra na gumagawa na ng hakbang ang Department of Transportation (DOTr) para matulungan ang mga PUV operators kung saan may dagdag ayuda para sa kanila.

Dagdag pa ng LTFRB chair, mayroon nang program para sa subsidiya para sa mga buses, PUVs at UV express na tinatrabaho na ng pamahalaan at inaasahang maipamamahagi na ito sa lalong madaling panahon.

Mga roadworthy traditional jeepney, papayagan nang pumasada ngayong linggo

Sa kabilang banda, inanunsyo ni Delgra  na mapapayagan nang bumyahe ang mga traditional jeepney ngayong linggo pero inaayos at isinasapinal pa lamang ang memorandum circular na inaasahang iisyu bukas o sa Miyerkules.

Binigyang-diin naman ni Delgra na ang pagbabalik-operasyon ng mga tradition jeepney ay para lamang sa mga ‘roadworthy’ na siyang mahigpit na direktiba ng DOTr, alinsunod din ito sa polisiya sa hierarchy of public transport.

Samantala, inihayag ng LTFRB na tuluy-tuloy ang modernizaipon program ng pamahalaan para sa pampublikong trasportasyon na sinimulan na noong pang taong 2017, pero nilinaw ng ahensya na mananatili pa ring makapagbyahe sa mga lansanagn ang mga traditional jeepney sa gitna ng modernisasyon.

Pero giit ng ahensya, huwag na sanang isipin na pahirapan ito sa lahat dahil sa katunayan higit itong nakatutulong sa mga tsuper at operators.

Ani Chairman Delgra, ang binabago lamang ng pamahalan sa ilalim ng modernizaion program, hindi lamang ang unit ng makikita na mausok at bulok kundi pati na rin ang sistema gaya ng boundary system na napatunayang ito ay ‘inefficient’ sa maraming taon.

Binanggit ni Delgra na sa ilalim ng programa, salary based ang mga driber at mayroong mga benepisyong matatanggap.

Ngayong araw, sinimulan nang buksan ang mga 47 ruta para  sa UV express, na may 980 express units sa buong Metro Manila

Sa pagbabalik-operasyon ng mga UV express, hindi na dating gawi ang pagpapatakbo ng mga ito dahil strikto nang ipatutupad ang pagkuha ng mga pasahero.

Ang pagbabayad ng pamasahe, ang thermal scanning, at pagmomonitor o tinatawag na contract tracing  sa mga pasahero ay gagawin na doon sa kanilang designated terminals.