Connect with us

Pamangkin ni Pres. Duterte na naninira sa kanya, hinamong magpa-DNA test

Kritikal sa administrasyon lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga pamangkin nito na ngayon ay nakabase na sa New Zealand.

National News

Pamangkin ni Pres. Duterte na naninira sa kanya, hinamong magpa-DNA test

Kritikal sa administrasyon lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga pamangkin nito na ngayon ay nakabase na sa New Zealand.

Kung pagbabasehan ang mga post sa kanyang twitter, panay puna at batikos ang pahayag ni Nuelle Duterte.

Ang nakababatang Duterte na tubong Davao ay isa na ngayong psychiatrist.

Sa isang panayam, makailang beses nitong binanggit na pumapatay ng tao ang pangulo ng bansa.

May mga komento rin ito laban kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kritikal rin ang mga komento nito sa war on drugs ng administrasyon.

Pero ayon sa kapatid ni Pangulong Duterte na si Jocellyn, walang personal knowledge si Nuelle sa pangulo at sa first family, “No, she does not! We don’t remember her as a child at my mother’s house or to be among her cousins. That’s why I was a little bit shocked about her remark concerning Sara. She does not know Sara at all, they did not grow up together. So unsay basis niya?”

Nauna namang inamin ni Nuelle na hindi ito malapit kay PRRD.

Dagdag pa ng kapatid ng pangulo, puro kasinungalingan ang sinabi ng batang Duterte.

Saad pa ni Jocellyn, “Hard to believe that she could say that about the family. Maybe why don’t she get a… might as well go to court to get rid of that name if she thinks it’s part of what makes her life what!? And be done with it and go on with her life. Rather than go around talking in that manner about her family.”

Bukod riyan, kinuwestyon rin ng presidential sister ang pagpapa-interview ni Nuelle dahil wala naman itong alam sa pulitika.

Tingin rin nito na nagamit bilang political propaganda ang batang Duterte.

“You’re a doctor, what do you know about politics? You have been away from the family, you know nothing about it. And you start talking in such a manner? Maka-insulto? Maka-ulaw? Ug ingon pa maulaw ko para niya. I’m ashamed of what she has done. Because at the end of the day, family is family no matter what happens.”

Saad pa nito, madadamay rin ang pamilyang Dominguez sa paninira ni Nuelle.

Mangyari kasi na pinsang buong ng ina nito si Finance Secretary Carlos Dominguez, “So she should think about that too. She should consider that she’s affecting not only one family but also her own family.”

Dahil dito, hinamon ng pamilya ang naninirang Duterte na magpa DNA test.

Hinamon rin ito na magpa-papalit ng apelyido, “Doing what you are doing now, you’re not destroying anyone but your own family and yourself. So if you feel that you don’t really have that affinity then get a DNA test and let’s be done with it. Prove to us that you are a Duterte because you claim to be a Duterte.”

 

More in National News

Latest News

To Top