pamamahagi SAP pinalawig Mayo

Pamamahagi ng SAP, pinalawig pa hanggang Mayo 10

National News

Muling pinalawig hanggang May 10 ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga mamamayang apektado ng COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, 985 LGUs na ang tapos sa SAP distribution. Ito ay katumbas ng 77.51%  mula sa 1,634 na LGUs sa bansa.

Hinikayat naman ni Año ang LGUs  na tapos nang mamahagi na gawin na ang liquidation report. Ito ay upang makapagsimula nang muli sa distribusyon sa pangalawang batch ng ayuda.

Aniya, ‘first come, first serve basis’ ang gagawin sa pagbibigay ng pangalawang SAP sa mga local government unit.

Ang pangalawang tranche ay makukuha matapos ang 10 hanggang 15 araw na ma-beripika ng DSWD ang isinumiteng liquidation report ng mga LGUS.