Connect with us

Pamamahagi ng educational package sa Taguig City, sinimulan na

Nagsimula na ngang mamahagi ang Taguig City Government ng new normal educational package para sa mga estudyante ng lungsod para sa School Year 2020-2021.

Metro News

Pamamahagi ng educational package sa Taguig City, sinimulan na

Nagsimula na ngang mamahagi ang Taguig City Government ng new normal educational package para sa mga estudyante ng lungsod para sa School Year 2020-2021.

Ang package na tinanggap ng bawat magulang ay naglalaman ng mga bag, uniporme, sapatos, modyul sa ibat-ibang paksa, at iba pang mga kagamitan na kanilang gagamitin sa hybrid modular distance learning modality ng Taguig City.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, inisyatibo ito ng pamahalaang lungsod upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagharap sa tinaguriang new normal type of education at upang lalong mahasa ang kanilang mga kagalingan sa iba’t ibang aspeto ng edukasyon kahit sa gitna ng pandemya.

Samantala,  hindi naman magiging problema sa mga studyante ng Taguig kung walang gadget o internet dahil bawat linggo ay makakakuha ng blended learning materias ang isang studyante.

Ayon pa sa alkalde sang-ayon ang Taguig LGU kay Pangulong Rodrigo Duterte na wala munang face to face classes kung saan sa  pamamahay na lamang ng mga studyante mag aaral gamit ang mga module materials.

Tuwing biyernes naman ipamamahagi ang mga modules kasabay ng pagpasa sa mga nasagutang modules.

Tiniyak pa rin ng lokal ng pamahalaan na sa ganitong pamamaraan ay mabibigyan pa rin ang mga studyante ng de kalidad at magandang edukasyon ang mga studyante sa lungsod.

More in Metro News

To Top