LGU, maaaring magbigay ng mga sasakyan sa mga mai-stranded na mga manggagawa

Pamahalaan, tiniyak na mabibigyan pa rin ng tulong ang publiko – DILG

National News

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mabibigyan parin ng ayuda ang publiko kahit pa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala ng pera ang bansa.

Sinabi ni DILG secretary Eduardo Año, patuloy parin naghahanap ng solusyon ang pamahalaan at nananatiling prayoridad nito ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Año, hindi dapat mabahala ang publiko tungkol sa naging pahayag ng pangulo.

Samantala, ayon kay Department of Finance Assistant Secretary Antonio Lambino II, manghihiram ang bansa ng P400 billion para dito.

Magmumula ani Lambino ang pera sa World Bank, Asian Development Bank, Asian Infrastructure Investment Bank at iba pa.