Connect with us

Pamahalaan, patuloy na iginiit na mabisa at ligtas ang Sinovac

Nanindigan ang gobyerno na ligtas  at epektibo ang bakunang Sinovac na naririto na sa bansa.

National News

Pamahalaan, patuloy na iginiit na mabisa at ligtas ang Sinovac

Nanindigan ang gobyerno na ligtas  at epektibo ang bakunang Sinovac na naririto na sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng una ng napaulat na pagbawi ng ilang mga kawani ng PGH ng kanilang pasiya para magpaturok ng bakuna matapos mabatid na ang gagamitin sa kanila ay Sinovac at hindi Pfizer.

Giit ni Roque, walang dapat ikatakot sa bakunang Sinovac lalo’t ilang mga world leaders na ang sumalang sa pagbabakuna gamit ang nasabing made in China COVID-19 vaccine.

Kabilang dito sina Turkish President  Tayyip Erdoğan, Chief Executive ng Hong Kong na si Carrie Lam, at ang  Presidente ng Indonesia na si Joko Widodo ganundin ang Punong Ministro ng Thailand na si Prayut Chan-o-cha.

Sa harap nito ay inihayag ni Roque na hindi magiging sapilitan ang pagbabakuna ng Sinovac sa mga health workers kasabay ng pagtiyak na hindi mawawala ang kaniyang prayoridad kapag dumating na ang bakunang nais niya.

More in National News

Latest News

To Top