Connect with us

Pamahalaan, handa sa posibleng pagpapalawig ng ECQ sa NCR plus bubble – Lorenzana

Nakahanda ang pamahalaan sa posibleng pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatutupad ngayon sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya.

National News

Pamahalaan, handa sa posibleng pagpapalawig ng ECQ sa NCR plus bubble – Lorenzana

Nakahanda ang pamahalaan sa posibleng pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatutupad ngayon sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya.

Ayon kay  Defense Secretary Delfin Lorenzana siya ring chairman ng National Task Force Against Covid-19, nakabukas ang lahat ng pamahalaan sa lahat ng hakbang na gagawin upang masolusyunan ang COVID-19 crisis.

Nang tanungin naman si Lorenzana sa mga posibleng epekto ng bagong lockdown, sinabi nitong ang paparating na linggo ang magsisilbing “observation period” para sa mga opisyal at malaman ang trend ng virus.

Gayunman, iginiit nito na hihintayn ng IATF ang projections at recommendationg ng mga health experts bago gumawa ng susunod na hakbang kung may pagpapalawig ng ECQ.

Ayon naman kay Departement of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, mas handa na ang Pilipinas ngayon habang pinaiiral ang enhanced community quarantine sa ncr plus.

Ani Malaya, noong nakaraang taon na pinairal ang ECQ, wala pang masyadong isolation centers, wala pang planstadong protocol na ipatutupad at wala pa ring national action plan.

Sa ngayon, inihayag ni Malaya na mayroong na tayong mahigit na 200 molecular laboratories sa buong bansa at mas mataas na ang testing capacity.

Kaya naman, may mga pinayagan na mga industriya na mag-operate sa kabila nang pinaiiral na ECQ ngunit naka skeletal workforce.

More in National News

Latest News

To Top