Connect with us

Palasyo, tiniyak na sasapat pa ng hanggang 3 buwan ang suplay ng pagkain sa bansa

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang sa publiko na sasapat pa ang suplay ng pagkain sa bansa sa mga susunod na buwan.

National News

Palasyo, tiniyak na sasapat pa ng hanggang 3 buwan ang suplay ng pagkain sa bansa

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang sa publiko na sasapat pa ang suplay ng pagkain sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ito ay sakabila ng pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo na sumira sa ekta-ektarang pananiman.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa monitoring ng pamahalaan noong Nobyembre a-12 ay kaya pang tumagal ang food supply ng hanggang 90-araw.

Ibig sabihin anito, sa ngayon ay aabot pa ng 88 araw ang food stock ng bansa o katumbas ng halos 3 buwan.

Ani Roque, ito ay dahil na rin nakapag-ani na kahit papaano ang mga magsasaka bago pa man tumama ang bagyo.

Pasisiguro ng kalihim, may aasahang pagkain ang mga Pilipino hanggang unang quarter ng susunod na taong 2021 kahit pa may nakaamba pang mga bagyo na tatama sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top