Connect with us

Palasyo, naniniwala na hindi bababa sa pwesto si Pangulong Duterte

Naniniwala ang palasyo na hindi magbibitiw sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte lalo't dalawang taon na lamang ang natitira sa kanyang termino.

National News

Palasyo, naniniwala na hindi bababa sa pwesto si Pangulong Duterte

Naniniwala ang Palasyo na hindi magbibitiw sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t dalawang taon na lamang ang natitira sa kanyang termino.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretry Harry Roque na hindi ito ang kauna-unahang nagsabi ang presidente na magre-resign ito.

Giit ni Roque, sa tagal ng panunungkulan ni Pangulong Duterte sa gobyerno, simula pa noong vice mayor, alkalde at hanggang ngayong naging pangulo ito, ang talagang frustration niya ang isyu ng korupsyon.

Binigyang-diin pa ng tagapagsalita ng Palasyo na tiyak na igugugol ng punong-ehekutibo ang kanyang nalalabing panahon para linisin ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Malinaw na malinaw na ‘zero tolerance’ si Pangulong Duterte kontra katiwalian.

Ani Roque, ” Yung mga nagdududa ng aking pananalita laban sa korupsyon….. malinaw na ‘zero tolerance’ si Pangulong Duterte laban sa koruspyon.”

Samantala, sinabi ni Roque na binigyan lang ng hanggang katapusan ng taon ang bagong PhilHealth President at Chief Executive Officer na si Atty. Dante Gierran para linisin ang ahensya.

Nakatakda namang makipagkita si Roque kay Gierran sa Biyernes upang pag-usapan at kumuha ng updates sa mga reporma na iniimplementa sa state insurer.

Sa pahayag naman ni Pangulong Duterte, iginiit nito na dapat tanggalin ang mga corrupt sa PhilHealth.

Ito’y dahil kung hindi ay talagang kailangan na ng batas upang buwagin ito at lumikha ng bagong organisasyon na magperform ng functions ng  health insurer.

Iginiit naman ni Roque na walang dapat alalahanin ang mga matitino sa ahensiya dahil alam ni Pangulong Duterte kung sino ang bulok at hindi sa trabaho sa ahensya.

 

More in National News

Latest News

To Top