Connect with us

Palasyo, muling nananawagan sa Kongreso na madaliin ang pagpasa ng Bayanihan II

Ipinauubaya na ng Malakanyang ang desisyon sa Kongreso hinggil sa usapin ng chairmanship ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) board.

National News

Palasyo, muling nananawagan sa Kongreso na madaliin ang pagpasa ng Bayanihan II

Muling nananawagan ang Malakanyang sa Kongreso na madaliin na ang pagpasa ng Bayanihan II.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, makakatulong ito sa pagpapalakas sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19.

Bukod dito, ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) ay makatutulong naman sa mga negosyo na maka-recover at makapag-generate ng employment para sa mamamayang Pilipino.

Una rito, nagpahayag ng pangamba ang Palasyo sa estado ng ekonomiya ng bansa.

Ito’y makaraang sumadsad ang ekonomiya sa -16.5% sa ikalawang kwarter ng taong 2020 kasabay ng umiiral na community quarantine.

Kasunod nito, opisyal nang nasa recession ang bansa sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang halos 30 dekada.

Mas malala pa ito sa inaasahan ng mga ecomic manager ng gobyerno ang nangyari sa ekonomiya.

Binigyang diin naman ni Secretary Roque na hindi lamang Pilipinas ang nakaranas ng kaparehong sitwasyon sa ekonomiya dahil sa pandemya, kundi maging ang mga bansang gaya ng Singapore, Indonesia, Estados Unidos, France, Spain at Mexico.

Sinigurado naman ng Palasyo na puspusan ang pagkilos at pagtatrabaho ng economic team upang bumuo ng recovery program para makabawi ang mga negosyo sa epektong dulot ng COVID-19 pandemic.

More in National News

To Top