Connect with us

Palasyo, malaki ang kumpiyansa sa bagong pinuno ng MMDA

Tiwala ang Palasyo ng Malacañang sa kakayahan ng bagong talagang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson na si Benhur Abalos.

National News

Palasyo, malaki ang kumpiyansa sa bagong pinuno ng MMDA

Tiwala ang Palasyo ng Malacañang sa kakayahan ng bagong talagang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson na si Benhur Abalos.

Kumpiyansa si Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na kwalipikadong pamunuaan ni Abalos ang ahensya gayun hindi aniya matatawaram ang karanasan nito sa public service.

Ani Panelo, bukod sa pagiging matagumpay na abogado, nakapagsilbi din ito sa ilang posisyon kabilang na ang pagiging konsehal at alkalde ng Mandaluyong.

Malinis anito ang record at walang bahid ang reputasyon ng dating mayor na nagsilbi ding kongresista.

Kahapon nang kumpirmahin ni Senador Bong Go ang pagkakatalaga kay Abalos bilang bagong MMDA chairperson bilang kapalit ng namayapang si retired General Danilo Lim.

Samantala, welcome sa MMDA ang pagkakatalaga kay dating Mandaluyong Mayor Benhur Abalos bilang bago nilang chairman.

Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na susuportahan ng ahensya ang bagong leadership sa ilalim ni Abalos.

Ayon sa MMDA, manunumpa si Abalos kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ng hapon sa Malacañang.

More in National News

Latest News

To Top