Connect with us

Palasyo, ipinagmalaki ang pasilidad ng Pilipinas na ginagamit para sa pre-Olympic training ng ibang bansa

Ilang araw na lang at gaganapin na ang Tokyo Olympics sa bansang Japan ngayon Hulyo 23.

International News

Palasyo, ipinagmalaki ang pasilidad ng Pilipinas na ginagamit para sa pre-Olympic training ng ibang bansa

Ilang araw na lang at gaganapin na ang Tokyo Olympics sa bansang Japan ngayon Hulyo 23.

Kaya naman doble-doble ang paghahanda at pagsasanay ng Israeli Swimming Team sa New Clark City Aquatic Center dito sa Capas, Tarlac.

Pinili ng swimming team na magensayo sa Pilipinas upang masanay sa mainit na panahon kung saan inaasahan rin nila na parehong klima ang mararanasan sa Tokyo, Japan.

Matatandaang inaprubahan ng IATF ang pagsasanay ng Israeli Swimming Team sa New Clark City Aquatic Center kasunod ng kahilingan ng Philippine Swimming Incorporated.

Sa kabila nito ay pinatitiyak ng IATF sa PSI na susunod ang mga Israeli swimmer sa mga health protocol laban sa COVID-19.

Inanunsyo rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magaganap ang pre-Olympic training ng Israeli national swimming team na nagsimula noong Hulyo 8 hanggang Hulyo 21.

Ipinagmalaki rin ni Roque ang pagho-host ng bansa sa training ng Israeli swimming team na aniya ay dati rati tayo ang nagsasanay sa ibang bansa dahil walang pasilidad ang Pilipinas.

Subalit ngayon ani Roque ang mga dayuhan na ang mga nagsasanay sa mga pasilidad ng bansa.

More in International News

Latest News

To Top