Palasyo paumanhin SAP

Palasyo, humingi ng paumanhin dahil sa pagkaantala ng SAP

National News

Humingi ng paumanhin ang Palasyo sa pagkakaantala ng pamamahagi ng second tranche ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay ng paglilinaw na ang mga pamilya na nasa general community quarantine (GCQ), enhanced community quarantine (ECQ), at modified ECQ noong buwan ng Mayo.

Paliwanag ni Roque, kaya nagkakaroon ng kaunting delay ay dahil mula sa manual na paraan ng pamamahagi ng ayuda, gagawin na ito ngayong electronic transfer.

Dagdag pa ng tagapagsalita, kapag nagsimula na ang electronic transfer, maaaring isang araw lang ay matatapos na agad ang pamimigay at wala nang mangyayaring pila.

Nanawagan naman ang palasyo na hayaan muna ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaroon ng kaunting panahon upang magamit nila ang teknolohiya, diretso na sa bank account ng mga benepisyaryo.