Connect with us

Paksyon ni Pacquiao sa PDP-Laban, dapat humingi ng tawad kay Mayor Sara

Nanawagan si PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag sa Pacquiao group na huwag nang idamay si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio

National News

Paksyon ni Pacquiao sa PDP-Laban, dapat humingi ng tawad kay Mayor Sara

Nanawagan si PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag sa Pacquiao group na huwag nang idamay si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa kung mga isyu ngayon sa pulitika dahil sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Matibag, mali na idamay ang pangalan ng alkalde ng dabaw sa gusot na nangyayari ngayon sa ruling party dahil unang-una, hindi ito miyembro ng partido.

Nanawagan din si Matibag sa Pacquiao group na humingi ng tawad kay Mayor Sara sa pagkakadawit nito sa isyu.

Nauna nang sinabi ng PDP-Laban Pacquiao faction na smokescreen lamang ng partido ang Go-Duterte tandem para sa kandidatura ni Mayor Sara.

Sa kanyang pahayag naman kahapon, pinuna ng Mayora sina Sen. Koko Pimentel at Ronwald Munsayac dahil sa nasabing isyu at iginiit na wala itong kinalaman sa mga sitcom na nagaganap ngayon sa ruling party.

More in National News

Latest News

To Top