Connect with us

Paksyon ni Pacquiao sa Go-Duterte Tandem: Panlito lamang

Paksyon ni Pacquiao sa Go-Duterte Tandem: Panlito lamang

National News

Paksyon ni Pacquiao sa Go-Duterte Tandem: Panlito lamang

Inihayag ng paksyon ni Sen. Manny Pacquiao na ang Go-Duterte Tandem na itinutulak ng paksyon ni Energy Sec. Alfonso Cusi bilang stand bearer ng PDP-Laban sa 2022 national elections ay smokes screen o panlito lamang.

Ayon kay PDP-Laban executive director Ron Munsayac,  ang naturang tandem na iprepresenta ng grupo ni Cusi sa Sept 08  ay hindi awtorisado sa simula pa lamang.

Dagdag pa ni Munsayac na ang tingin ng karamihan sa kanilang myembro ay ‘smokes screen’ lamang ang Go-Duterte tandem at kalaunan ay si Davao City Mayor Inday Sarah ang ipapalit kay Sen. Bong Go.

“We have 100,000 nationwide consultations. Tingin po ng karamihan ng mga kapartido namin na etong [Go-Duterte] tandem ay parang smokescreen lamang para sa isang Sara Duterte presidency,” ani Munsayac.

Matatandaan na una nang inakusahan ni Sen. Koko Pimentel ang paksyon ni Cusi sa pagbuo ng Duterte-Duterte Tandem.

Samantala sinabi naman ni Sen. Bong Go na hindi siya dapat problemahin ng  kaniyang mga kapwa partido, “Maraming salamat po sa mga kapwa ko miyembro ng PDP-Laban — kahit saang paksyon man yan. Huwag niyo po akong problemahin. Dahil hindi naman po ako interesadong tumakbo bilang Pangulo. Kung ano na lang po yung tira, yun na lang po yung akin. Kung meron man pong matitira.”

Ito ay dahil hindi naman aniya interesado ang senador na tumakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Hirit pa ng senador “Bakuna muna bago ang Pulitika, “ Mas importante sa akin kung paano natin malampasan itong pandemyang ito. Bakuna muna bago ang pulitika.”

Matatandaan na noong Aug. 04 nang inendorso ng grupo ni Cusi ang Go-Duterte Tandem at nakatakdang pagbobotohan sa national convention ng partido sa Sept. 08.

More in National News

Latest News

To Top