Connect with us

Pagtukoy sa pres. aspirant na gumagamit ng cocaine, ipa-uubaya kay Pang. Duterte – Palasyo

Pagtukoy sa pres. aspirant na gumagamit ng cocaine, ipa-uubaya kay Pang. Duterte - Palasyo

National News

Pagtukoy sa pres. aspirant na gumagamit ng cocaine, ipa-uubaya kay Pang. Duterte – Palasyo

Nasa desisyon na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papangalanan nito ang presidential aspirant na inakusahan nitong gumagamit ng cocaine.

Ito ang binigyang diin ni acting Presidential Spokesperson Sec. Karlo Nograles sa isang pulong balitaan.

Aniya, nasa diskresyon na ng punong ehekutibo kung papangalanan nito ang kanyang tinutukoy.

Ani Nograles, “Well, si pangulo siyempre has access to many sources including mga intel reports. On naming the said individual, we will leave it to the sound judgment of the president. So nasa discretion na po ng pangulo kung papangalanan ba niya at kung kailan; kung magdidesisyon ba siya na pangalanan iyong indibidwal na ‘yan.”

Nitong Huwebes, Nobyembre 18, sinabi ni Pangulong Duterte na isang presidential candidate sa 2022 elections na inilarawan niyang mahinang lider maliban sa pangalan at gumagamit umano ng cocaine.

Kaugnay naman sa tanong kung posibleng maimbestigahan ang naturang presidential aspirant, nakatitiyak si Nograles na aakto batay sa kanilang mandato ang law o drug enforcement agencies pagdating sa isyu na may kinalaman sa ilegal na droga.

“So whatever social status at kung sino man ang mga—may nakukuha mang mga intel reports, alam na po ng ating mga law enforcement agencies kung anong dapat gawin”, giit pa ni Nograles.

Dagdag pa ng palace official, may mga ginagawa ring mga procedure na kailangang sundin sa usapin ng drug case.

“Pagdating kasi sa droga, medyo very technical ‘no ang nasa batas at kailangang sundin nating lahat ang mga proseso at procedures pagdating po sa—in any investigation and even in enforcement, even in arrest and seizure – lahat po ‘yan, kailangang sundin natin para hindi rin po tayo ma-technical pagdating ng pagsama ng kaso”, dagdag pa ng kalihim.

Tiniyak naman ng palasyo na walang mangyayaring special treatment sa hindi pinangalanang presidential aspirant na inakusahang gumagamit ng cocaine.

Binigyang diin ni nograles na walang sinasanto at walang pinipiling social status ang pamahalaan sa lahat ng sangkot sa iligal na droga

Tiniyak ng palasyo na kakasuhan, huhulihin at ipo-prosecute kapag may basehan ang sinumang mapatutunayang sangkot sa illegal drugs.

More in National News

Latest News

To Top