Connect with us

Pagtigil sa broadcast ng ABS-CBN, matindi umano ang epekto

Isa na namang panukala para sa muling pagbuhay ng prangkisa ng ABS-CBN ang inihain sa Kamara.

National News

Pagtigil sa broadcast ng ABS-CBN, matindi umano ang epekto

Isa na namang panukala para sa muling pagbuhay ng prangkisa ng ABS-CBN ang inihain sa Kamara.

Inihain ni Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado ang house bill 8333 at ipinunto ang epekto umano ng pagtigil sa broadcast ng ABS-CBN matapos ma-expire ang prangkisa nito noong Mayo 5 ng nakaraang taon.

Ani Bordado, matindi aniya ang naging epekto ng shutdown sa pagbibigay ng impormasyon, updates, babala at panawagan ng tulong sa mga pamilyang naaapektuhan sa mga nagdaang kalamidad.

Matatandaan na noong Lunes ay inihain din si Deputy Speaker Vilma Santos ang house bill 8298 na humihiling na bigyan ng dalawampu’t limang taong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa explanatory note , ipinaliwanag ni Santos na ang ABS-CBN ay isa sa pinakamalaking entertainment at media conglomerate sa bansa sa usapin ng revenue, operating income, net income, assets, equity, market capitalization, at bilang ng mga empleyado.

Iginiit ni Santos na kailangang manatili sa kanyang commitment ang ABS-CBN sa napakaraming Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dekalidad na programa.

More in National News

Latest News

To Top