Connect with us

Pagtawag ni Sen. Pangilinan na kahihiyan si Parlade sa AFP, niresbakan

Sinupalpal ni Southern Luzon Command (SOLCOM) Chief Lt. General Antonio Parlade Jr. si Senator Kiko Pangilinan kaugnay sa pahayag nito sa heneral

National News

Pagtawag ni Sen. Pangilinan na kahihiyan si Parlade sa AFP, niresbakan

Sinupalpal ni Southern Luzon Command (SOLCOM) Chief Lt. General Antonio Parlade Jr. si Senator Kiko Pangilinan kaugnay sa pahayag nito sa heneral bilang isang kahihiyan umano sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines(AFP).

Ayon kay General Parlade, kahit minsan ay hindi nito naramdaman sa kaniyang sarili na naging kahihiyan siya sa kanilang hanay.

Sa katunayan aniya, kung ikukumpara ang Senado sa AFP, di hamak na mas propesyunal ang kanilang hanay kaysa sa mga mambabatas sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Dagdag pa ng heneral, kung trust ratings lang din aniya ang pag uusapan, di hamak na mas mataas ang suporta ng publiko sa kanila sa ilalim ng Duterte Administration kumpara sa Senado.

Ani Parlade,”If you believe I am an embarassment to the AFP please ask the soldiers. Your AFP has never been more professional than now, with its trust rating flying through the roof so dont tell us about professionalism.”

Hinamon pa mismo ni General Parlade si Senator Kiko ng isang agarang survey sa kani-kanilanng ahensiya upang malaman kung kanino kumakampi at mas may tiwala ang tao.

“Let’s do a survey about the senate now and the result might just surprise yourself,” saad ng heneral.

Kinondena din ni Parlade ang tahasang pagtatanggol ni Senador Kiko sa mga komunista at pagsuporta sa mga komunistang mambabatas na ginagamit  aniya  ang pondo ng mga ito upang palakasin ang karahasan at kaguluhan sa bansa dulot ng mga makakaliwang aktibidad  laban sa gobyerno.

Punto pa ni Parlade, dapat sana maging kaakibat ang Mabayan Bloc sa pagkondena sa nangayayaring armed conflict sa bansa, pero taliwas aniya ito sa ginagawa ng naturang mga mambabatas na siyang dapat na tawaging unconstitutional  at hindi katanggap-tanggap.

” Have a look at communist-terrorists in the legislative. Parliamentary struggle is supposed to encourage your colleagues to abandon armed struggle but look what you’ve got. Six of them you rub elbows with, even as they contribute government funds to fuel further this violent struggle. Thanks to your apathy, if not your complicity. Now that is what’s anomalous, highly irregular, and definitely unconstitutional,” ang banat ni Parlade.

Matatandaang isa si Sen. Pangilinan sa mga senador na kumuwestiyon sa pagkakatalaga kay Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC kasabay ng pagtatanggal ng pondo sa organisasyon.

Tiniyak din ni General Parlade na wala silang nakukuhang pondo para sa kanilang bulsa upang paratangan sila sa isyu ng korupsiyon.

More in National News

Latest News

To Top