Connect with us

Pagtatayo ng sariling pagawaan ng bakuna sa bansa, isinusulong

Suportado ni Senator Christopher Lawrence 'Bong' Go ang pagtatayo ng sariling virology institute sa bansa upang makagawa ng sariling mga bakuna laban sa mga sakit tulad ng COVID-19.

Uncategorized

Pagtatayo ng sariling pagawaan ng bakuna sa bansa, isinusulong

Suportado ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang pagtatayo ng sariling virology institute sa bansa upang makagawa ng sariling mga bakuna laban sa mga sakit tulad ng COVID-19.

“Ako naman po ay pabor naman po ako dahil ‘di natin masabi kung may pandemya pa na darating sa buhay natin. So mabuti na po na maging proactive tayo. Someday, magkaroon sana tayo ng sariling vaccine manufacturer sa bansa,” pahayag ni Go.

Inirekomenda ang naturang ideya dahil na rin sa hirap na nararanasan ng bansa sa pagbili ng bakuna sa global market sa gitna ng pandemya.

“Naaawa na nga po ako sa mga kasamahan natin sa gobyerno na halos walang tulog para bigyan lang tayo ng bakuna. Ginagawa naman po ng gobyerno ang lahat sa abot ng makakaya para makakuha ng bakuna,” dagdag ni Go.

Ayon kay Go, kailangang pag-aralan ng bansa kung paano mag-develop, magproduce at mag-manufacture ng sariling bakuna at nang hindi na maging dependent sa international market.

“Not it’s take it or leave it. Kung ‘di tayo sumunod sa kanilang agreement ay di tayo mabibigyan ng bakuna. Halos nagmamakaawa pa tayo,” ayon kay Go.

Naniniwala ang senador na ang ipinanukalang virus institute ay maglilikha ng strategic partnerships sa mga nangungunang virology centers, institutes at scientists na magsasagawa ng makabagong pananaliksik na magpapaunlad sa larangan ng virology ng bansa.

At ang naturang pananaliksik o pag-aaral ay maaaring gamitin ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, mga pribadong organisasyon, at mga institusyon para maging gabay  sa kanilang pagbuo ng mga polisiya, pagpapatupad ng mga plano at pamamahala sa medical resources sa panahon ng health crisis.

Planong itatayo ang virology center sa New Clark City sa Tarlac na pinondohan ng P50M sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.

Ang naturang institute ay kabilang sa Build, Build, Build program ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

More in Uncategorized

Latest News

To Top