Connect with us

Pagtatayo ng Philippine Sports Academy, isinusulong ng isang mambabatas

Isinusulong ngayon ng isang mambabatas sa Kongreso ang pagkakaroon ng National Sports Academy sa bansa.

Sports

Pagtatayo ng Philippine Sports Academy, isinusulong ng isang mambabatas

Isinusulong ngayon ng isang mambabatas sa Kongreso ang pagkakaroon ng National Sports Academy sa bansa.

Sa panayam ng SMNI News kay Congressman Eric Martinez, chairman ng House Committee on Sports and Youth Development, sinabi nitong mahigpit nitong tinututukan ang pagbuo ng Philippine Sports Academy.

Dahil ito ang nakikita ng kanilang komite sa Kongreso na makapaglilinang sa mga kakayahan ng ating mga atleta at mailabas ang potensyal ng iba pang nagnanais na kabataan na makapasok sa larangan ng sports.

Ani Martinez na isang patunay ang pagiging kampeon ng Pilipinas sa nakaraang Sea Games na likas na magagaling ang mga Pinoy pagdating sa pangpalakasan.

Dagdag pa ni Martinez na ang pagbibigay ng sapat na pondo sa ating mga atleta ay ang nakikita nitong susi para magtagumpay ng mga Pinoy sa mga international sporting event.

Samantala, naniniwala naman ang mambabatas na makakatulong para sa mga kabaatan lalo na sa sports development ang gamitin ang tinatawag na “mamba mentality” ng NBA legend na si Kobe Bryant para magtagumpay sa buhay.

More in Sports

To Top