Connect with us

Pagtatayo ng pagawaan ng mga bakuna, napapanahon na – Sen. Bong Go

Napapanahon na para magkaroon vaccine institute sa Pilipinas upang makapag-produce ng sariling gamot at bakuna laban sa samu’t saring mga sakit.

National News

Pagtatayo ng pagawaan ng mga bakuna, napapanahon na – Sen. Bong Go

Napapanahon na para magkaroon vaccine institute sa Pilipinas upang makapag-produce ng sariling gamot at bakuna laban sa samu’t saring mga sakit.

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, suportado niya ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatayo ng pagawaan ng bakuna sa bansa bilang paghahanda sa posibleng susunod na pandemya.

“Suportado ko po ang kagustuhan ni Pangulong Duterte na magkaroon tayo ng vaccine institute sa Pilipinas na magbibigay ng kakayahan sa ating bansa na mag-develop at mag-produce ng sarili nating mga bakuna, hindi lamang laban sa COVID-19 kundi maging sa mga susunod pang pandemya,”saad ng senador.

Ipinunto pa ni Go na ang pagkakaroon ng manufacturing ng bakuna ay nakatutulong upang hindi na aasa ang pamahalaan sa bakunang gawa ng ibang bansa.

“Mas mabuting handa tayo, mas mabuting meron tayong manufacturing ng bakuna para ‘di na tayo maipit.”

Umapela din ang senador sa DOST at sa tulong narin ng mga health experts, local pharmaceutical companies, private sector at ilan pang institutions na sumangguni sa international vaccine producers upang masimulan agad ang pag-produce ng bakuna.

“This initiative will not only boost our local vaccine supply, but can also help increase production of vaccines in the world market,” ipinunto pa ng senador.

Samantala, tiniyak naman ni Go na hindi maaantala at maaapektuhan ang vaccination rollout sa kabila ng hamon na kinakaharap ng pamahalaan sa pag-purchase ng COVID-19 vaccine.

“Taliwas ito sa mga haka-haka ng iilang grupo na nais lamang siraan ang gobyerno at magkalat ng maling impormasyon. Sa mga kritiko, hindi makakatulong ang paninisi. Magtulungan na lang tayo. Sigurado ako na kung magkakaisa ang buong sambayanan, mas bibilis ang ating pagbabakuna at mas marami tayong maliligtas na buhay.”

More in National News

Latest News

To Top