Connect with us

Pagtatayo ng community pantry, sinamantala ng oposisyon laban sa gobyerno – Gen. Parlade

Sinamantala ng oposisyon at ng makakaliwang grupo ang nagsusulputang mga community pantry ngayon sa buong bansa.

National News

Pagtatayo ng community pantry, sinamantala ng oposisyon laban sa gobyerno – Gen. Parlade

Sinamantala ng oposisyon at ng makakaliwang grupo ang nagsusulputang mga community pantry ngayon sa buong bansa.

Sa isang text message ni Southern Luzon Command (SolCom) Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., tinukoy ng opisyal na mahigit sa dalawang taon nang may mga ganitong aktibidad ang mga indibidwal o grupo na may magagandang loob na lehitimong nais tumulong sa mga nangangailangan.

Ngunit sa panahon aniya ngayon, meron na ring sumasakay na ibang grupo o ang mga oposisyon para i-highlight ang kahirapang nararanasan ng buong bansa at sirain ang kasalukuyang gobyerno.

Giit rin ni Parlade na ginagamit na rin ito ng mga legal front ng rebeldeng CPP-NPA para makahingi ng foreign donations.

Dahil dito, binigyang-diin ni Parlade na kung nais ng isang indibidwal o grupo na tumulong sa mga nangangailangan, mas mainam na gawin ito nang walang kamera o ‘fanfare’ maliban lang aniya kung mayroong ibang agenda.

Hindi rin aniya red tagging ang background checking sa mga organizer ng community pantry dahil ginagawa lamang nila ang kanyang trabaho.

Samantala, nilinaw ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na hindi kailangan ng permit ng mga organizers ng community pantry.

Ito ang ipinaliwanag ni ARTA Dir. Gen. Atty. Jeremiah Belgica sa lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pagbisita nito sa Teachers Village East kung saan nagsimula ang community pantry.

Kaugnay nito, nilinaw din ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang kanyang pahayag hinggil sa pagkuha ng permit sa paglunsad ng community pantry.

Sa halip, hinimok ni Diño ang mga ito na makipag-ugnayan sa local government o sa kanilang mga barangay para matiyak na nasusunod ang minimum health protocols sakaling dumagsa ang kumukuha ng tulong.

 

More in National News

Latest News

To Top