Connect with us

Pagtanggal ng pondo sa NTF-ELCAC, pakikinabangan ng mga komunista – Sen. Bato

Nagbabala si dating Philippine National Police (PNP) Chief, Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa na ang mga komunista ang siyang makikinabang kung tuluyang patatanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

National News

Pagtanggal ng pondo sa NTF-ELCAC, pakikinabangan ng mga komunista – Sen. Bato

Nagbabala si dating Philippine National Police (PNP) Chief, Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na ang mga komunista ang siyang makikinabang kung tuluyang patatanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang naging babala ng senador kasabay ng hindi pagpabor sa panawagan para sa zero budget sa NTF-ELCAC sa susunod na taon.

Aniya, sakaling mabigo ang pamahalaan na mapondohan ang Brgy. development program ay mahihikayat ang mga dating rebelde sa mga cleared Brgy. na umanib muli sa komunista.

“Sasabihin ng mga taumbayan doon na nakatira sa mga cleared barangays na naghihintay, nag-aabang na dumating yung kanilang mga barangay development programs, sabihin nila ‘itong gobyerno na ito walang isang salita. Mabuti pa bumalik na lang tayo sa NPA.’ So, sino makikinabang? Yung NPA, ‘di ba?,” ang pahayag ni Senador Bato.

Kaugnay nito, sinabi naman ni  Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, dapat pag-isipan itong mabuti ng mga senador lalo pa’t naniniwala ito na lalo lamang makakapagdala ng takot at gulo ang mga NPA sa mga barangay sakaling mawawalan ng pondo ang NTF-ELCAC.

Ayon kay Pastor Apollo, “Iyan ang ginagawa ninyo, i-defund ninyo ang NTF-ELCAC? Ganun lang? Tapos di niyo malalaman yung consequence sa mga barangay, sasalakay na naman doon yung mga NPA-NDF, mananakot na naman, magte-terrorize na naman? Gusto ninyo ‘yun? Mga kaibigan kong senador, gusto ninyo ‘yun? ‘Yun ang inyong gusto para lang sumikat kayo? Mag-isip-isip naman kayo, mga senador kayo, mga kaibigan ko pa ‘yung iba diyan. Mag-isip-isip kayo.”

Matatandaan na nag ugat ang panawagan ng mga senador na tanggalan ng pondo ang naturang ahensiya dahil umano sa red tagging na ginagawa ng task force sa mga community pantry.

More in National News

Latest News

To Top