Connect with us

Pagtalakay sa panukala na gawing krimen ang red-tagging, pinamamadali– Sen. Drilon

Hinimok ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ang mga lider ng Senado na agad na  talakayin ang kaniyang panukala na gawing krimen ang red-tagging.

National News

Ang panawagan ni Drilon ay kasunod ng pagdadawit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC) sa mga organizer ng community pantry sa isang komunistang grupo.

Buwan ng Marso ng inihain ng senador ang Senate Bill 2121 at sa ilalim ng panukala maaring ikulong sa loob ng sampung taon ang mapapatunayang guilty sa red-tagging.

Pero bago ito nakasulat sa committee report na inadopt ng Senado pagkatapos ang pagdinig patungkol dito na hindi na kailangang gawing krimen ang red-tagging.

Kamakailan naman ay sinabi ni Senate President Tito Sotto na pinag-iisipian na nito ang pagsuporta sa naturang panukala.

Ito ay matapos sabihin ng  National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na mata at tenga ng isang komunistang grupo ang Senado Union.

More in National News

Latest News

To Top