Hindi pinaboran ng mga kongresista ang pagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN.

Pagtalakay sa ABS-CBN franchise, inaasahang matatapos ng Kamara bago ang SONA ngayong taon

National News

Inaasahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bago mag-SONA si Pangulong Duterte sa July 27 ay tapos na ang Kamara sa pagtalakay sa ABS-CBN franchise.

Ani Cayetano, kahit naka-recess ang Kongreso sa Hunyo at tuloy-tuloy ang kamara sa pagtalakay sa prangkisa.

Sa pagtataya ng Speaker, dalawa hanggang tatlong beses ang pagdinig na gagawin sa kada linggo.

Magpapatupad naman ng mahigpit na physical distancing sa mga witness at resource persons na darating sa hearing.

Kasama sa tatalakayin sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN ay ang paglabag umano ng network sa tax and labor laws; paglabag sa terms and conditions sa naunang franchise, Filipino ownership at foreign citizenship issue.

Ngayong Martes, May 26- sa ganap na 9:30 ng umaga ang unang proper committee hearing para sa ABS- CBN Franchise.