Connect with us

Pagtakbo ni Bong Go sa pagka-presidente, utos mismo ni pangulo

Pagtakbo ni Bong Go sa pagka-presidente, utos mismo ni panglo

National News

Pagtakbo ni Bong Go sa pagka-presidente, utos mismo ni pangulo

Inamin ni Pang. Rodrigo Roa Dutere na siya mismo ang naghimok kay Senator Christopher “Bong” Go na tumakbo sa pagkapangulo matapos magbitiw bilang kandidato sa pagka-bise presidente para sa 2022 elections.

Sa isang panayam, sinabi ni Pang. Duterte na sinabihan nito si Bong Go na huwag umiyak dahil bukas ang posisyon sa pagka-pangulo.

Matatandaang, mismong si Pang. Duterte ang sumama kay Bong Go sa Commission on Elections (COMELEC) office noong Nobyembre 13, 2021 nang maghain si Go ng certificate of candidacy sa pagka-pangulo sa 2022 sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan, ang allied party ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan.

Aminado rin si Pang. Duterte na siya rin ay nasurpresa sa paghain ng kanyang anak at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ng COC sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats Party.

Nagtataka rin ang pangulo kung bakit pumayag ito na tumakbo sa pagka bise presidente sa kabila ng katotohanan na ito ay no.1 sa presidential survey.

Ani Pang. Duterte, marahil ay naimpluwensyahan ito ni pres. aspirant Bongbong Marcos na tumakbo bilang bise presidente.

Samantala, hanggang ngayong araw na lamang ang withdrawal at substitution ng mga kandidato sa 2022 election.

More in National News

Latest News

To Top