Connect with us

Pagsusulong ng Cha-Cha, hindi uubra ngayong may pandemya

Iginiit ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na hindi uubra ang pagsusulong ng Charter Change o Cha-cha ngayong panahon ng pandemya.

National News

Pagsusulong ng Cha-Cha, hindi uubra ngayong may pandemya

Iginiit ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na hindi uubra ang pagsusulong ng Charter Change o Cha-cha ngayong panahon ng pandemya.

Ang reaksyon ay ginawa matapos ang pagsusulong nina Senators Ronald dela Rosa at Francis Tolentino sa mababang kapulungan.

Nais kasi ng dalawang senador na amyendahan ang democratic representation at economic provisions ng 1987 constitution.

Ayon kay Defensor, suportado niya ang hakbang pero nakikita nito na pahirapan ang pagpasa nito dahil sa hamong dala sa pamahalaan ng COVID-19 pandemic.

Tingin nito na magkakaroon ng impresyon ang mga Pinoy na insensitive sa paghihirap ng taumbayan ang kongreso at lalabas na arogante silang mga opisyal kung ipipiliit ang Cha-cha.

Diin ng kongresista, hindi Cha-cha ang solusyon sa epekto ng pandemya sa ekonomiya  ng bansa.

Matatandaan na nais din ng liderato ng Kamara na isulong ang economic provisions sa kasalukuyang Saligang Batas lalo na ang foreign ownership sa lupa at mga negosyo sa bansa para makahihayat pa ng mas maraming investors.

 

More in National News

Latest News

To Top