pagbabayad renta DTI pinalawig

Pagsuspinde sa pagbabayad ng renta, pinalawig pa ng DTI

National News

Pinalawig pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang polisiya sa pagsuspinde sa pagbabayad ng renta. Ibig sabihin, hindi muna dapat maniningil ng renta sa mga tenant o nangungupahan sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng community quarantine.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang naturang hakbang ay bilang tulong na rin sa publiko na apektado ng ipinatutupad na precautionary measures ng pamahalaan laban sa banta ng COVID-19.

Samantala, nilinaw din ni Lopez na partial operation lang ang pagbubukas ng mga establisyemento na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).