Connect with us

Pagsuspinde ng 2022 elections, unconstitutional ayon sa COMELEC

'No Election' scenario, pinaghahandaan ng liderato ng Senado

National News

Pagsuspinde ng 2022 elections, unconstitutional ayon sa COMELEC

Unconstitutional ang pagsuspinde ng 2022 elections ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez.

Kasunod ang komento na ito sa inihain na petisyon ng Grupong Coalition for Life and Democracy (NCLD).

Layunin ng petisyon na i-postpone ang 2022 elections at isagawa nalang ito sa 2023.
Rason ng NCLD, patuloy pang may banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Jimenez, kung nais umano itong isagawa, dapat pang amyendahan ang konstitusyon ng bansa.
Sa pag-amyenda rin ng konstitusyon ayon kay Jimenez, kinakailangan rin na magkaroon ng plebisito at ang plebisito aniya, ay isang eleksyon.

Iniyahag ni Jimenez na posibleng naniniwala ang NCLD na may kapangyarihan ang COMELEC na magsuspinde ng eleksyon.

Nilinaw ni Jimenez na may kapangyarihan naman aniya ang COMELEC na magsuspinde subalit hindi sa mahabang panahon gaya ng isang taon.

Maaari lang din aniya ito kung may sunog, pagbaha at ang lahat ng guro na nagsisilbing board of election inspectors o ang kanilang replacements ay lubhang may sakit o apektado.

More in National News

Latest News

To Top