Connect with us

Pagsugpo sa NPA, prayoridad ni Pang. Duterte sa natitirang panahon ng kanyang termino

Kabilang sa tatlong prayoridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa natitira niyang higit isang taon sa termino ang sugpuin ang rebeldeng Grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP- NPA).

National News

Pagsugpo sa NPA, prayoridad ni Pang. Duterte sa natitirang panahon ng kanyang termino

Kabilang sa tatlong prayoridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa natitira niyang higit isang taon sa termino ang sugpuin ang rebeldeng Grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP- NPA).

Ito ay sa gitna ng eksaktong 18 buwan na lang na natitira sa Administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, binigyang diin ni pangulong duterte ang pagsupil sa mga aniya’y teroristang CPP-NPA na naging laman din ng kanyang talk to the people address nitong mga nakaraang araw.

Una nang binatikos ng presidente ang Makabayan bloc kung saan partikular na binanggit pa nito si bayan muna Party-list Representative Carlos Zarate.

Bukod sa mga rebeldeng komunista, kasama din sa prayoridad ni Pangulonv duterte sa kanyang nalalabing panahon sa termino ang paglaban sa korupsiyon at iligal na droga na hindi rin nawawala sa kanyang lingguhang ulat sa bayan.

Binanatan ni Pangulong Duterte ang mga rebeldeng NPA at isinisi sa kanila ang aniya’y hindi pag-unlad ng mga kanayunan.

Ideniklara nang Pangulong Rodrigo Duterte na kailanman ay wala ng aasahan pa na tigil-putukan ang New People’s Army (NPA) sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Una nang iginiit ng armed forces of the philippines na sinasamantala ng mga terorista ang holiday ceasefire at ginagamit ang pagkakataon upang atakehin ang mga sundalo na nagsasagwa ng humanitarian at peace and development missions.

Maliban dito, patuloy pa rin ang mga terorista sa pangingikil at paggawa ng krimen gaya ng pagpatay at panununog.

 

More in National News

Latest News

To Top