ABS-CBN franchise renewal House

Pagsasantabi muna sa ABS-CBN franchise renewal, suportado ng House leaders

National News

Pinaburan ng ilang lider sa Kamara na unahin ang ibang mas mabibigat na isyu kaysa sa franhise renewal ng ABS-CBN; mas marami pang dapat unahin ang mga mambabatas lalo na’t nasa gitna ng COVID-19 crisis ang bansa.

Ito ay kaugnay sa pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bibigyan nila ng panahon ang prangkisa ng network. Pero hindi ito prayoridad sa ngayon dahil mas mayroong mabibigat usapin ang dapat mas bigyan ng panahon.

Ayon kay Laguna 1 Dist. Representative Dan Fernadez, ang kapakanan ng sambayanang Pilipino ang dapat maging prayoridad ng Kongreso sa nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

“Congress will not abandon its task of deciding on the issue of ABS-CBN’s franchise. But what we should keep in mind is that we have other more important and urgent concerns such as addressing the impact of COVID-19 on our economy and our people, that we need to resolve first.”
Ito ang naging pahayag ni Fernandez.

Para naman kay Antipolo City 1st Dist. Roberto Puno, dapat bigyang-pansin ng Kongreso ang trabaho nitong magsalba ng buhay at ekonomiya ng bansa habang may krisis. Hindi dapat mabaling sa ibang isyung iilan lang ang makikinabang.

“We’re all aware that the issue of ABS-CBN’s franchise is an important one that affects the future of many employees. However, we should clearly define our priorities at this critical time. And that priority is for the House of Representatives to develop a comprehensive recovery plan that will ensure that no Filipino is left behind in our efforts to reenergize our economy and rebuild communities after COVID-19,” dagdag ni Puno.

Samantala, iginiit naman ni Batangas 2nd Dist Cong. Raneo Abu sa mga nananawagan ng agarang pagdinig hinggil sa naturang prangkisa, hindi umano ito kasiguraduhan na mabibigyan agad ng renewal ang netwpork.

“Conducting a hearing is not a magic pill that will instantly cure ABS-CBN’s franchise woes. We should all remember that evidence and facts need to be presented, those who favor the renewal and those who oppose it should be both allowed to voice their positions. Congress needs to spend considerable time and attention to this issue before it can render its decision,” ayon kay Abu.

Dagdag pa ni Abu, bagamat nabigo ang NTC na tuparin ang pangako nito sa Kongreso na magbigay ng provisional authority sa ABS-CBN, dapat pa ring dumaan sa masusi at patas na proseso sa Kamara ang prangkisa ng Kapamilya Network.

“We all know that the NTC committed to issue a provisional authority that would allow ABS-CBN to continue operating while Congress has yet to discuss the bills on the network’s franchise renewal. But they reneged on this commitment. Now some quarters are blaming Congress for our supposed inaction. But what they are forgetting is that we cannot just rush the process to favor ABS-CBN. Congress needs to hear all sides of the issue to be able to decide fairly and objectively on the matter,” paalala ni Abu.