Pagsasailalim sa ECQ ng Cebu City, iaapela sa pamahalaan

National News

Nais i-apela ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang naging desisyon ng National Government na ibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod.

Paliwanag ni Cebu Mayor Edgardo Labella, ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa kaniyang lugar ay bunsod ng kanilang puspusang mass testing.

Giit nito, mula noong Marso ay papalo na sa 25,000 mga residente ang kanilang naisalang sa COVID-19 test.

Hindi rin aniya sila titigil sa pagsasagawa ng pagsusuri kahit na mas tumaas pa ang bilang ng positibo sa virus.

Inihayag din nito na mahigit 50% na ng 3,434 na nagpositibo sa coronavirus sa lungsod ang gumaling na sa sakit.

Ani ng alkalde, kinakailangan na maibalik ang sa General Community Quarantine (GCQ) ang siyudad upang hindi maisalba ang mga negosyo.

Magugunitang  pagpasiyahan ng National Government na muling pairalin ang ECQ sa Cebu City hanggang sa Hunyo a-30.