Connect with us

Pagsasagawa ng COVID-19 tests na naka-charge sa Philhealth, inihinto ng PRC

Inihinto ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagawa ng COVID-19 tests na naka-charge sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

National News

Pagsasagawa ng COVID-19 tests na naka-charge sa Philhealth, inihinto ng PRC

Inihinto ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagawa ng COVID-19 tests na naka-charge sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon sa PRC, ang desisyon ay nag-ugat sa kabiguan ng PhilHealth na bayaran ang kanilang patuloy na tumataas na outstanding balance.

Kahapon, itinigil nang PRC ang pagtanggap para sa testing ng specimen ng mga returning Overseas Filipino Workers na dumarating sa mga paliparan at pantalan, mga nasa mega swabbing facilities at frontline health at government workers.

Sinabi ng PRC na hindi magbabalik ang mga nasabing serbisyo hanggang hindi nababayaran ng ahensiya ang kanilang overdue balance na P930.99 milyong.

Ang PRC ay nakapagsagawa na ng mahigit isang milyong COVID-19 test, higit 25 % ng coronavirus testing na nagawa na sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementor Carlito Galvez Jr. na pinag-uusapan na nina NTF Chairman Delfin Lorenzana, PhilHealth Chief Dante Gierran, at PRC Chief Richard Gordon ang isyu at kumpiyansa siya na agad itong mareresolba.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malaking antala ang desisyon ng PRC sa testing efforts ng bansa.

Gayunman, ang mga private at public laboratories muna aniya ang hahawak sa mga pagsusuri habang pinaplantsa pa ang isyu.

More in National News

To Top