Connect with us

Pagsasabatas ng death penalty, muling ipinanawagan

Ipinanawagan ni Senator Bong Revilla ang muling pagsasabatas ng death penalty matapos ang malagim na shooting incident na naganap sa Paniqui, Tarlac na kinasangkutan ng isang pulis.

National News

Pagsasabatas ng death penalty, muling ipinanawagan

Ipinanawagan ni Senator Bong Revilla ang muling pagsasabatas ng death penalty matapos ang malagim na shooting incident na naganap sa Paniqui, Tarlac na kinasangkutan ng isang pulis.

Ito ang naging reaksyon ni Revilla sa brutal na pamamaril ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio.

Idinagdag din ng senador na dapat na maparusahan si Nuezca sa ilalim ng batas bukod sa pagkakatanggal nito sa serbisyo.

Hinimok din nito ang Philippine National Police (PNP) at National Police Commmission (NAPOLCOM) na imbestigahan ang bawat pulis na dinepensahan ang naging aksyon ni Nuezca sa social media.

Samantala, hindi dapat gamitin ng mga pulis ang issued firearms para sa personal na agenda.

Ito ang binigyaan-diin ni PNP Spokesman Police Brigadier General Ildebrandi Usana matapos tanungin kung maaring dalhin ang armas kapag sila ay off duty.

Paliwanag ni Usana, maaari lamang dalhin ng mga pulis ang kanilang baril kung kinakailangan na tumugon sa isang crime situations.

Tinangka rin ni Nuezca na noon ay off duty na arestuhin ang lalaking biktima dahil sa isyu.

Ayon kay Usana, maaring arestuhin ni Nuezca si Anthony noong panahon na mangyari ang insidente kahit hindi ito naka-duty.

Pero ayon kay Paniqui Municipal Police Station Chief Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, dapat ay tumawag na lamang si Nuezca ng local police at hayaang ito ang humawak sa isyu.

Sinabi rin nito na may constitutional right si Nuezca kaugnay sa naging mga kasalanan niya sa nagdaang mga taon.

Ayon naman kay Usana, handa silang i-review ang record ni Nuezca at ibigay ang kaukulang aksyon.

Umaasa naman si Usana na hindi idadamay ang buong kapulisan sa insidenteng ito dahil hindi naman ito nangyari in line of duty.

Aniya, sana’y maiwasang sabihin na ang insidente ay isang patunay ng police brutality dahil hindi naman umano ganyan ang nangyari.

Samantala, ibinahagi naman ni Spox. Usana na pinag-uusapan na ng buong ahensya ang paggamit ng non-lethal weapons gaya ng taser gun, tear gas at rubber bullets para maiwasan ang malagim na sakuna.

 

More in National News

Latest News

To Top