Connect with us

Pagsama ng Sinovac sa EUL ng WHO, makatutulong sa vaccine confidence ng mga Pilipino

Ikinatuwa ng Malakanyang ang ulat na napasama na rin ang China-made vaccine na Sinovac sa Emergency Use Listing (EUL) ng World Health Organization (WHO).

National News

Pagsama ng Sinovac sa EUL ng WHO, makatutulong sa vaccine confidence ng mga Pilipino

Ikinatuwa ng Malakanyang ang ulat na napasama na rin ang China-made vaccine na Sinovac sa Emergency Use Listing (EUL) ng World Health Organization (WHO).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na mas tataas ang vaccine confidence ng mga Pilipino at lalong dadami pa ngayon ang mahihikayat na magpabakuna matapos na mapabilang ng Sinovac sa EUL listing.

Ito’y dahil nadagdagan na ang mga institusyon na nagsasabi na ligtas at epektibo ang Sinovac na siyang pinakamaraming brand ng COVID-19 vaccines na ginagamit sa Pilipinas.

“Ngayon po hindi lang po FDA ng Pilipinas ang nagsabi na ligats at epektibo ang Sinovac pati na rin po ang ating WHO dahil yun po ang ibig sabihin kapag nakasama sa emergency use list ng WHO,” saad ni Roque.

Kaugnay nito, ikinalugod din ni National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa, nang malaman ang pagkakabilang ng Sinovac sa EUL.

Ani Dr. Ted Herbosa, “Well, malaking bagay iyan ‘no. Tuwang-tuwa nga ako noong nabasa ko sa news, sa international news at sa extranet.WHO.int na sinama na ang Sinovac BioNTech or CoronaVac, iyong ating pinakamaraming bakuna sa Pilipinas sa Emergency Use Listing.

Dagdag pa  ni Herbosa, ka-kategorya na ang Sinovac sa iba pang brand ng bakuna tulad ng Pfizer, AstraZeneca, Moderna, Johnson & johnson at ng isa pang Chinese vaccine na Sinopharm.

Inihayag pa ng NTF adviser na dalawa ang malaking advantage ng pagkakasama ng Sinovac sa EUL, una, mababawasan na ang mga vaccine hesitant na medyo namimili ng bakuna base sa pinanggagalingang bansa.

Sa kabilang banda, sinabi ni Herbosa na sa katunayan din aniya maraming reports sa iba’t ibang bansa na gumagamit ng Sinovac na sinasabing napaka-epektibo nito kung saan talagang bumaba ang naitatalang bagong kaso at nasawi sa COVID-19.

Nakatutulong din ang EUL ng WHO pagdating sa pagbili ng bakuna.

Paliwanag nito, “Ang pangalawang value niyan ay iyong mga multilateral partners natin, iyong mga nagpapautang sa atin para makabili tayo ng bakuna. Napakarami nang bibilhin natin eh ‘no. Seventy billion ang nilaan natin. Hindi lahat ng pera ay manggagaling sa atin, some ay uutangin din natin. At ang nagpapautang, gusto mayroong WHO EUL. So nasa listing ng WHO, so na-fulfill ang criteria na iyon at madali tayong makakabili nang mas marami pang dose ng Sinovac para sa ating bansa.”

Ayon sa WHO, sa pamamagitan ng pagkakabilang sa EUL, nangangahulugan ito na makakasama na ang Sinovac vaccine sa COVAX facility na siyang nangangasiwa sa usapin ng mga bakunang ibinibigay sa mga mahihirap na bansa.

Samantala, muling hinimok ng gobyerno ang mamamayan na magpaturok na ng bakuna kontra COVID-19 kahit ano pang brand ito.

Bukod sa bakunang Sinovac, kasama rin ang Sinopharm, AstraZeneca, Pfizer, Janssen, Moderna, Serum Institute of India sa mga napabilang sa EUL ng WHO

More in National News

Latest News

To Top