Connect with us

Pagreretiro ni Sen. Pacquiao sa boxing, hindi kapanipaniwala – Pastor Quiboloy

Kasunod ng pormal na pag-anunsyo ni Sen. Manny Pacquiao sa kaniyang pagreretiro sa mundo ng boxing, sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy

National News

Pagreretiro ni Sen. Pacquiao sa boxing, hindi kapanipaniwala – Pastor Quiboloy

Kasunod ng pormal na pag-anunsyo ni Sen. Manny Pacquiao sa kaniyang pagreretiro sa mundo ng boxing, sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom Of Jesus Christ na hindi siya bumilib sa pagreretiro ng boksingero.

Para kay Pastor Apollo, walang appeal ang ginawang pamamalaam ni Pacquiao sa pagboboxing.

“Wala akong pakialam mag-retire ka man o hindi. Kung boksingero ka lang, may kagat ‘yung sinabi mong ‘magre-retire na ako’ tulad ni Mayweather. Pero pinaghalo mo, eh senador pagkatapos boksingero, senador, boksingero, senador, boksingero, senador.”

Paglalahad pa ni Pastor Apollo, minsan ng laban o bawi si Pacquiao sa kaniyang mga desisyon sa buhay kaya mahirap na itong paniwalaan.

Matatandaan na noong taong 2015, ay nangako na noon ang boksingero na hihinto na sa pagboboxing kapag nanalo sa pagkasenador.

Pero sa halip na magiging totoo sa pangako ang boksingero ay kada taon nang sumasalang sa boxing ring ang senador matapos siyang mailuklok sa pwesto noong taong 2016.

Sinabi pa ng butihing pastor, “Wala na akong paniniwalaan sa mga sinasabi mo. Wala akong paniniwalaan sa sinasabi ni boxer.”

“ ‘Magre-retire ako,’ kailan mo sinabi? 2015. Tapos sasabihin mo na naman ngayon. Hindi mo napanindigan ‘yung sinabi mo noon pagkatapos sasabihin mo na naman ngayon. Dalawang boksidor ang nagkaharap eh. Itong Manny Pacquiao na ‘to at itong Manny Pacquiao 2015, magharap kayo, kayo’ng mag-boxing kayong dalawa ng salita mo. Kasi walang mapanghahawakan sa sinasabi mo.”

Banat pa ni Pastor Apollo kay Pacquaio, sa halip na sumagot si Pacquiao kapag sinusuri sa kanyang mga binibitawang salita ay kung ano ano ang ginagawa.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, bukas pa rin ang kaniyang offer na debate para sa senador.

“’Pag sinuri ka naman sa sinasabi mo, magdedemanda imbes sasagot. Pero ganun pa man, ang debate kong hamon sa’yo nananatili. Kung tunay kang lalaki at kumakandidato ka para sa mataas na posisyon, bago pa ‘yung presidential  humarap ka muna sa akin, andami kong tanong sa’yo na dapat mong sagutin.”

“ Sasabihin ko ba itong ganito kung ikaw ay nanatiling boksingero? Hindi, papalakpakan pa kita. In fact, ang tawag sa’yo ‘pambansang kamao’. Ngayon pumasok ka sa pulitika na wala ka namang alam, involved kaming lahat sa sinasabi mo, ikaw ang ‘pambansang ‘di kamao’.”

More in National News

Latest News

To Top